Home NATIONWIDE Ilang tauhan ng PCG sinibak sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3

Ilang tauhan ng PCG sinibak sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3

146
0

MANILA, Philippines – Sinibak na sa pwesto ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG,) matapos ang isinagawang imbestigasyon sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3.

Batay sa resulta ng administrative proceedings na isinagawa ng Coast Guard Inspector General-Internal Affairs Service kabilang sa apat na sinibak sa pwesto ang enlisted personnel ng Pre-Departure Inspection (PDI) Team na sila PO1 Sabhal Turaini, PO3 Khalid Asmawil, PO3 Al-Yazar Muyong, at Mar-Iya Anawie.

Resulta ito ng pagkabigo nilang berpikahin ng maayos ang aktwal na bilang ng mga pasahero at tamang dokumentasyon.

Demoted naman si PO3 Jestoni Barretto na nagsilbi bilang Duty Office Watch habang one year suspension without pay ang parusa kina Lieutenant Commander Tristan Jener Erediano at Lieutenant Jason Pagbonocan na nagsilbing Station Commander at Acting Station Commander ng Zamboanga.

Pinasasailalim din sila sa mandatory retraining sa wastong pamantayan ng ship inspection, epektibong supervision ng PDI teams, at pamamahala sa operasyon.

Binigyang-diin ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab na patunay ito na hindi nila kinukunsinte ang anumang paglabag sa mga pamantayan ng kaligtasan sa karagatan.

Samantala, hanggang ngayong araw na lamang angĀ  underwater operations ng PCG Technical Diving Group, ayon sa PCG.

Sa pinakahuling datos ng Coast Guard, 65 ang nasawi, 293 ang nakaligtas at 14 ang nananatiling missing. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here