Home NATIONWIDE Reklamo vs Bong Revilla, Zaldy Co kaugnay sa flood control anomaly, kasalukuyang...

Reklamo vs Bong Revilla, Zaldy Co kaugnay sa flood control anomaly, kasalukuyang pinag-aaralan – DOJ

173
0

MANILA, Philippines – Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo na isinampa laban kina dating Senador Bong Revilla at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, under review pa ito ngayon ng Division Chief pero walang ibinigay na eksaktong petsa kung kailan ito mailalabas.

Si Co ay nahaharap sa reklamong plunder at sinampahan naman ng Malversation si Revilla.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kontrobersyal na flood control project sa ilalim ng SYMS Construction Trading.

Sinabi ni Martinez na ang kaso ni Co ay ibabatay ng prosecutors na humahawak sa kaso ang magiging resolusyon mula sa mga ebidensiyang isinumite ng National Bureau of Investigation na siyang naghain ng reklamo.

Ayon kay Martinez, nabigo si Co na magsumite ng kaniyang counter-affidavit para marinig ang kaniyang panig.

Una nang sinabi ni Martinez na submitted for resolution na ang magkahiwalay na kaso kung saan titingnan kung ibabasura o tutloy sa pagsasampa sa korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here