NAVOTAS – Namahagi si Navotas Mayor John Rey Tiangco ng 77 laptops para sa mga guro upang mas mapadali at mas mapahusay pa ang kanilang pagtuturo.
Nagbigay rin ng 22 desktop computers para sa mga computer laboratory ng mga paaralan upang mas maraming estudyante ang magkaroon ng pagkakataong matuto gamit ang modernong teknolohiya. JOJO RABULAN