Home OPINION KABIGUAN NG EDSA@40 (PART 1)

KABIGUAN NG EDSA@40 (PART 1)

185
0

BAGO pa man sumapit ang mismong Pebrero 25, 2026, ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, marami na ang nag-abang sa Malacañang Palace mula sa tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos kung mag-aanunsyo ba ito ng ‘holiday’.

Natapos ang pagdiriwang ng walang naging anunsyo ang palasyo na holiday ngunit bago pa man ito ay pinahalagahan ng ilang sektor akademiko ang mahalagang kabanatang ito ng ating kasaysayan, kaya naman nagdesisyon na ang kani-kanilang kolehiyo at pamantasan nang pagkansela ng klase at hinimok ang mga mag-aaral na obserbahan o kaya naman ay kusang pag-aralan ito sa pamamagitan ng pagsama at panonood sa mga pagkilos at programa.

Noong panahon ng administrasyong Cory Aquino hanggang sa administrasyong Duterte ay may mga panahong naide deklara itong holiday at naglabas ng opisyal na pahayag ang mga nagdaaang pangulo ng suporta at kahalagahan ng mapayapang rebolusyon sa EDSA na nagpatalsik sa matagal na pamumuno at naging diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang mapayapang rebolusyon na nagwakas sa pasismo at nagbalik ng demokrasya ay hinangaan ng maraming nasyon at naging inspirasyon din ng iba gaya ng pagbagsak ng Berlin Wall tanda ng pagtatapos ng komunismo sa Germany, at ganoon din ang muling pagtunog ng mga kampana sa buong Russia hudyat ng pagbagsak ng komunismo doon o mas kilala sa tawag na Union Soviet of Socialist Republic.

Naging inspirasyon din ito ng tangkang mapayapang pag-aaklas ng mga kabataan sa Tiananmen Square sa Beijing, China noon maging sa yellow umbrella protest sa Hong Kong, China ng nakalipas na mga taon.

Balik tayo sa ating bansa, kapansin-pansin na hindi na nga nagawang ideklara ng Palasyo na maging holiday itong EDSA sa ika-40 taon at wala ring naging pahayag bilang Pangulo si BBM kahit noong bagong upo pa lang siya ay hindi nakiisa sa programa o pagdiriwang.

Sa bagay nga naman paano makikiisa kung iyon ang naging hudyat noon ng pagbagsak ng rehimen ng kanyang Ama at napaalis sila sa bansa at matagal na exile sa Hawaii, USA.

Ang EDSA ay ang sambayanang mapayapang nag-aklas laban sa diktadurya at nagbalik ng demokrasya sa bansa ngunit tila katawa-tawa naman ang naganap na tangkang pagharang sa EDSA sa mga nagsagawa ng pag-alala at pagpapahayag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here