Home METRO 2 sugatan sa sunog sa Brgy. UP Campus

2 sugatan sa sunog sa Brgy. UP Campus

169
0

QUEZON CITY — Dalawang katao ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog na tumupok sa tatlong bahay sa kahabaan ng CV Francisco Street sa Barangay UP Campus madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-5 ng umaga at umabot sa first alarm.

Sinubukan ng mga residente na apulahin ang apoy bago dumating ang mga bumbero ngunit patuloy itong kumalat.

Umabot sa 21 fire trucks ang rumesponde at idineklarang fire out makalipas ang 40 minuto.

Nagtamo ng pinsala sa binti at paa ang dalawang indibidwal habang tumatakas mula sa sunog. Hindi bababa sa limang pamilya ang naapektuhan.

Tanging washing machine at speaker lamang ang naisalba mula sa mga nasunog na bahay. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang tinatayang halaga ng pinsala.

Inihahanda na rin ang isang evacuation center para sa mga residenteng naapektuhan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here