Home SPORTS Choco Mucho bumangon sa limang set kontra Galeries Tower

Choco Mucho bumangon sa limang set kontra Galeries Tower

175
0

NATULDUKAN ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang three-game skid matapos talunin ang Galeries Tower Highrisers, 26-24, 20-25, 22-25, 25-13, 15-12, sa 2026 PVL All-Filipino Conference sa Playtime Filoil Centre.

Mula sa 5-8 pagkakaiwan sa deciding set, nagpakita ng tibay ang Flying Titans upang maagaw ang momentum at maisara ang laban.

Nakatulong din ang pagbabalik ni Eya Laure, na nagtala ng 18 puntos at pitong receptions matapos lumiban sa dalawang laro dahil sa minor leg injury.

Naging dramatiko ang pagtatapos ng laban nang dumikit ang siko ni Gayle Pascual sa net sa kalagitnaan ng rally, dahilan upang mapunta sa Choco Mucho ang huling puntos.
Sa resulta, tabla na sa 2-3 ang rekord ng dalawang koponan.

Maagang nagpasiklab si team captain Des Cheng, na nagselyo sa unang set sa pamamagitan ng matitinding atake at tatlong service aces.

Bumawi naman ang Galeries Tower sa ikalawang yugto sa likod ng opensa ni Erika Deloria.

Sa ikatlong set, nag-init si Laure ngunit hindi nito napigilan ang tambalang Deloria at Jean Asis na itulak ang Highrisers sa 2-1 abante.

Gayunman, rumatsada ang Flying Titans sa ikaapat na set sa isang dominanteng 19-7 run upang puwersahin ang fifth set.

Pinangunahan ni Sisi Rondina ang panalo sa pamamagitan ng triple-double na 18 puntos, 13 digs, at 11 receptions, habang nag-ambag si Lorraine PecaƱa ng 15 puntos. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here