Home METRO 2 proyekto ng DPWH sa Pangasinan, matatapos sa 2027

2 proyekto ng DPWH sa Pangasinan, matatapos sa 2027

181
0

MANILA, Philippines – Matatapos sa katapusan ng 2027 ang dalawang pangunahing proyekto sa imprastruktura sa Pangasinan matapos maantala ng ilang taon dahil sa paunti-unting pondo, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon noong Biyernes.

Isa sa mga proyekto ay ang 3.92-kilometrong Villasis–Sto. Tomas Bypass Road bridge na nagkakahalaga ng P2 bilyon.

Nagsimula ito walong taon na ang nakalipas at natanggap na ang P920 milyon, ngunit kailangan pa ng P1.1 bilyon para matapos ang natitirang 43.18 porsyento ng konstruksyon.

Sinuri rin ni Dizon ang 9.913-kilometrong Binalonan–Laoac–Villasis Diversion Road (BLV), isang P1.2-bilyong proyekto na 71.51 porsyento nang tapos. Kailangan pa nito ng P346.6 milyon para makumpleto.

Inatasan ni Dizon ang DPWH na hanapin ang buong pondo dahil dapat na-prioritize na ang mga proyektong ito para sa benepisyo ng mga taga-Pangasinan.

Ayon kay Dizon, ang BLV ay magpapabilis ng biyahe mula Manaoag patungo sa iba pang lugar sa loob lamang ng limang minuto imbes na halos isang oras.

Ang proyekto ay  makakabawas ng trapiko sa Rosales kung saan mag-uugnay sa Binalonan diversion road, Urdaneta bypass, at mga bayan tulad ng Laoac, Manaoag, San Jacinto, Mangaldan, Dagupan, Binmaley, at Lingayen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here