MANILA, Philippines – Nakahanda ang gobyerno na imbestigahan ang di umano’y drug-related killings sa panahon ng administrasyong Marcos kung mayroong ebidensiya na maipapakita sa usaping ito.
Ito’y matapos na sabihin ni Atty. Nicholas Kaufman, legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na ang drug-related killings ay hindi ‘unique’ sa Pilipinas at di umano’y tumaas sa unang dalawang taon ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro Palace Press Officer Claire Castro, na naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang “bloodless” war sa drugs campaign.
Binigyang diin nito na titiyakin ng Chief Executive na may mananagot sa anumang panga-abuso sa ilalim ng administrasyon nito.emphasizing that the President will ensure accountability for any abuses under his administration.
“If there are pieces of evidence that can be submitted, then that’s the right time to investigate this matter. Hindi po gugustuhin ng Pangulo na mabahiran ang administrasyon na ito ng madugong extrajudicial killing dahil hindi po iyan ang kaniyang legasiya,” ang sinabi pa ni Castro.
“Saan po nanggagaling ang impormasyon, kung sino po ang nagsabi niyan, magbigay agad sila ng kanilang mga detalye sa PNP, CIDG, NBI, para ito po ay maimbestigahan,” aniya pa rin.
“Hindi po kailangang mag-utos pa ang Pangulo. Trabaho po ito ng mga investigative bodies natin para kung sino iyong dapat managot, dapat na managot,” ang winika ni Castro.
Nauna rito, iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na hindi natatangi sa kanyang administrasyon ang mga kaso ng drug-related at extrajudicial killings (EJKs), at sinabing nagpatuloy pa umano ang mga ito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing sa The Hague, binanggit ng lead counsel na si Nicholas Kaufman ang “Dahas Project” ng University of the Philippines Third World Studies Center, at sinabing nanatiling “sky high” ang drug-related violence kahit matapos ang termino ni Duterte.
Batay sa datos ng “RealNumbersPH,” may 6,252 ang nasawi sa anti-drug operations mula Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2022. Ayon kay Kaufman, ipinapakita ng Dahas Project na “there is no reason to believe that Duterte’s disappearance from the political scene would have frustrated the ongoing incidents of murder at the hands of state agents or vigilantes.”
Kinuwestiyon din niya kung bakit hindi umano iniimbestigahan ang mga pagkamatay sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Para kay Castro, nakakatawa at nakapagtataka dahil naka-pokus ang kampo ni Digong Duterte sa administrasyong Marcos sa isinagawang pre-trial proceedings ng International Criminal Court’s sa halip na tugunan ang pagkamatay ng mga pinaghihinalaang drug offenders na nangyari sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
“Pag-amin ba iyon na talagang may patayan sa panahon ni dating Pangulong Duterte? Unang-una, nakakapagtaka na ang kliyente po niya rito ay ang dating pangulong Duterte pero bakit ang mata niya naka-focus kay Pangulong Marcos Jr.? Depensa po ba niya ito? Kasi kung depensa po niya ito, nakakatawa,” ani Castro. (KRIS JOSE)