MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pagkatapos ng magaganap na lunas eclipse sa Marso, makikita sa bansa ang susunod na total lunar eclipse mula December 31, 2028 hanggang January 1, 2029.
Ang total lunar eclipse sa March 3, 2026 ay magaganap mula 7:04 p.m. hanggang 8:03 p.m., na may kabuuang tagal ng totality na 59 minuto at 24 segundo.
Sinabi ni Mario Raymundo, senior weather specialist ng PAGASA, na mas mahaba ang totality ng susunod na blood moon noong New Year 2029 — isa oras, 12 minuto, at 12 segundo.
Ang eclipse ay makikita sa Asia, kabilang ang Pilipinas, pati na rin sa Europe, Australia, Africa, North/West North America, at mga karagatang Pacific, Atlantic, at Indian.
Bukod dito, itinuro ni Raymundo ang iba pang astronomikong kaganapan ngayong taon tulad ng isang rare six-planet parade sa February 28, full blue moon sa May 31, at supermoon sa December 24. RNT/MND