Home HOME BANNER STORY SC ruling sa co-ownership ng property sa same-sex partners, kinilala ng CHR

SC ruling sa co-ownership ng property sa same-sex partners, kinilala ng CHR

155
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng Commission on Human Rights ang desisyon ng Supreme Court of the Philippines na puwedeng ituring na co-owners ang same-sex partners sa property na nakuha habang magkasamang naninirahan, basta may patunay ng kanilang kontribusyon.

Ayon sa CHR, ang ruling ay “affirms that diverse forms of intimate relationships exist and cannot be rendered legally invisible” at nagbibigay ng mas malawak na legal na proteksyon sa LGBTQIA relationships. Sinabi rin ng CHR na tumutugma ito sa constitutional guarantee ng equal protection at international human rights obligations ng bansa.

Nilinaw ng SC na tanging property na may aktwal na kontribusyon ang pinapabilang bilang joint property sa ilalim ng Article 148 ng Family Code. Sa kasong ito, sapat ang signed acknowledgement na nagsasabing kalahati ng gastos sa property ay binayaran ng isa sa partners upang patunayan ang co-ownership.

Binigyang-diin ng Korte na, dahil walang batas na nagrerecognize sa same-sex marriage, kailangan ng Kongreso at ibang ahensya ng gobyerno na ayusin ang karapatan ng same-sex couples.

Sinabi ng SC: “This Court does not have the monopoly to assure the freedom and rights of homosexual couples. With the political, moral, and cultural questions that surround the issue concerning the rights of same-sex couples, political departments especially the Congress must be involved to quest for solutions, which balance interests while maintaining fealty to fundamental freedoms.”

Dagdag pa ng Korte, ang proseso ng paggawa ng batas ay mahalaga para maunawaan ang karanasan ng mga homosekswal at matiyak na ang mga polisiya ay balanse at sumusunod sa pangunahing kalayaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here