Home ENTERTAINMENT Ana Roces, nabudol ng P3M sa pekeng alahas!

Ana Roces, nabudol ng P3M sa pekeng alahas!

165
0

Manila, Philippines – Kung hindi pa siya nagsadya sa bilihan ng mga alahas, hindi pa malalaman ni Ana Roces na napeke siya noon sa nabiling singsing.

Isa ang dating Viva contract star sa mga latest kostumer na dumayo sa Maddox—-isang jewelry store sa Marikina City.

Pakay sana ni Ana na bukod sa bumili ng matitipuhang alahas ay ipasuri ang nabili niyang singsing noon.

Ang sabi sa kanya ng antique dealer, heirloom piece daw ang singsing na ‘yon.

Studded with diamonds ‘yon na maliliit na ibinenta sa kanya sa halagang P3M.

Tsinek naman ito ng may-ari ng Maddox pero sa tingin pa lang nito’y nagduda na siya.

Samantala, habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri, namili muna si Ana ng ilang items na nais bilhin.

Ilan doon ang nakursunadahang bilhin ng aktres–maganda na kasi’y napakamura pa.

Then came the verdict–lumabas sa pagsusuri sa singsing ni Ana na zirconia pala–at hindi tunay na diamonds–ang nasa singsing.

Hindi rin totoong P3M ang tamang halaga nito dahil ang ginto lang ng singsing ang may katapat na halaga.

Ang ending–nanlumo na lang si Ana nang sabihin sa kanya ng Maddox owner na ang halaga lang ng singsing niya ay mahigit P41k lang.

Dahil sa sama ng loob, hindi na din itinuloy ni Ana ang pagbili ng mga nagustuhang alahas.

Humingi na lang siya ng pasensya sa may-ari ng Maddox. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here