Home ENTERTAINMENT Mark at esmi, balak mag-migrate sa US!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark at esmi, balak mag-migrate sa US!February 28, 2026 17:431870 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tuhog ang pakay ng naging pagdalaw ni Mark Herras sa isang sikat na bilihan ng mga alahas.Ang latest customer ng Maddox ay ang aktor.Mark showed up at the store to buy jewelry para sa kanila ng misis niyang si Nicole Donesa.Ang mga ito’y green diamond earrings para sa kanyang asawa, necklace naman para sa kanya.At one point, naitanong ni Mark sa mismong may-ari ng Maddox: “Tumatanggap din ba kayo ng titulo ng house and lot?”Ang tanong ni Mark ay “inspired” ng naibentang sasakyan ni Jomari Yllana–na nagsadya din before sa Maddox.Jomari bought a piece of jewelry for himself, sabay ibinenta na din ang kotseng hindi na daw niya ginagamit.It’s the husband of the Maddox owner who bought the car–na iniawas na lang sa alahas na binili doon ni Jomari.Back to Mark, balak daw nila ni Nicole na ibenta ang kanilang property dahil sa plano nilang pagma-migrate sa Amerika.Pero nilinaw ni Mark that it won’t happen soon, pero pinaghahandaan na nila kasama siyempre ang kanilang dalawang anak. Ronnie Carrasco III