Manila, Philippines – Hindi na kinaya ni Vice Ganda ang sobrang panggigigil sa asawa niyang si lon Perez matapos itong magwagi sa cycling race.
Tamang yapos ang nanaig sa TV host-comedian nang makasungkit ng gintong medalya si lon sa karera na idinaos sa Nueva Ecija.
Ito’y ang ATTCK UNRSTRCTD O Attack Unrestricted.
Nakabase ang cycling race na ito sa katatagan at lakas ng katawan ng isang siklista para makatapos ng 240km biking.
Hindi nga biro ang karerang ito dahil kailangang sumuong sa delikadong panahon, pagtawid sa ilog at patag na daan.
This is considered the hardest cycling race in the country.
Saad ng post ni lon sa kanyang Instagram account: “Pain is temporary but quitting is forever.”
Nagsusumigaw naman ang reaksyon ni Vice Ganda who posted: “I’m so excited for you to be home, babe ko. Gusto kitang yakapin nang mahigpit. Ang galing mo!!!”
May separate post pa ang Unkaboggable Star para kay lon: “You wanted it. Worked hard for it.
And you made it. I see the batttles you silently face everyday. I root for you. Even if it’s really hard, you always choose to get up and try.
You are winning, babe. You are winning! And I am very proud of you!!! I love you so much, Noi ko!”
Sagot naman ni lon: “Maraming salamat sa LOVE and SUPPORT mo, asawa ko! I love youuu!”
‘Di nagpakabog si Meme: “You are worth it, babe!”
Kayung-kayo na talaga, Meme at lon! Ronnie Carrasco III