Home ENTERTAINMENT Barbie, di magsasakripisyo sa lalake!

Barbie, di magsasakripisyo sa lalake!

153
0

Manila, Philippines – Naging usap-usapan ang naging pahayag ni Barbie Forteza nang makapanayam siya sa latest episode ng isang online entertainment portal.

Aniya, hindi raw siya willing na isakripisyo ang lahat pagdating sa lalake.

Sey niya: “Love for family, yes. Because sila talaga ang nagparanas at nagbigay sa akin ng unconditional love.”

Gayunpaman, kung ang dyowa raw niya o partner ang pag-uusapan, isang malaking “no” raw ang kanyang sagot.

“Love for a partner, no. I will not sacrifice everything because hindi kami related by blood,” dugtong niya.

Paliwanag pa niya, choice raw ng partner niya na mahalin siya at hindi niya ito pinilit kaya dapat ay mayroong kumpromiso.

“Choice nilang mahalin ako. Dapat compromise. Pinaghirapan ko talaga lahat. For you to ask me to sacrifice everything I worked for…Brad Pitt ka? Charot!”

Sa kasalukuyan ay nananatiling loveless si Barbie simula nang maghiwalay sila ng ex na si Jak Roberto noong nakaraang taon.

Na-link din siya kina David Licauco at maging sa “Kontrabida Academy” co-star na si Jameson Blake pero walang nag-prosper sa kanilang romansa. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here