Home NATIONWIDE Defense cooperation sa Japan, Malaysia, Singapore, palalawakin ng PH

Defense cooperation sa Japan, Malaysia, Singapore, palalawakin ng PH

162
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of National Defense na pinag-aaralan ng Pilipinas ang pagpapalawak pa ng bilateral defense cooperation nito sa Japan, Malaysia, at Singapore.

Natalakay ito sa pulong ng DND at ng mga defense agency ng tatlong bansa sa sidelines ng ika-3 Japan Pacific Islands Defense Dialogue sa Tokyo noong Pebrero 22 hanggang 24.

Pinangunahan ng Defense Assistant Secretary for International Affairs na si Marita Yoro ang delegasyon ng Pilipinas.

Sa pagpupulong, nirepaso ang capacity-building initiatives at pinalakas ang koordinasyon sa mga usaping panseguridad tulad ng maritime security, counter-terrorism, at humanitarian assistance and disaster relief (HADR).

Kamakailan, lumagda ang Pilipinas at Japan ng reciprocal military access pact, at patuloy ang pagbibigay ng Japan ng multi-milyong pisong halaga ng kagamitan at suporta sa defense infrastructure upang mapalakas ang kakayahan ng bansa sa depensa.

Sa JPIDD, nagsalita si Yoro bilang invited partner at binigyang-diin ang lumalaking papel ng Pilipinas sa pagpapanatili ng regional stability at security cooperation sa Indo-Pacific.

Ayon sa DND, ang unang paglahok ng Pilipinas sa JPIDD ay kasabay ng ika-70 anibersaryo ng normalisasyon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan at ng bagong yugto ng kanilang strategic partnership. Anila, mahalagang hakbang ito sa pagpapalawak ng defense partnerships at sa pagpapatibay ng commitment ng bansa sa rules-based international order. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here