Home NATIONWIDE Puganteng Koreano, arestado sa Pasig; ipade-deport – BI

Puganteng Koreano, arestado sa Pasig; ipade-deport – BI

162
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration ang Korean fugitive na may red notice mula sa Interpol dahil sa kasong investment fraud.

Ang dayuhan na kinilalang si Jun Hwanhwi, 45, ay nahuli noong Pebrero 18 sa Sapphire Street, Ortigas Center, Pasig City.

Ayon sa BI, may deportation order na laban sa kanya mula pa noong 2021 matapos siyang ituring na “undesirable alien” dahil sa banta umano sa public safety at security.

Ang red notice ay inilabas matapos mag-isyu ng arrest warrant ang Gwangju District Court sa South Korea kaugnay ng kasong panloloko.

Batay sa ulat ng South Korean government, umano’y nagsagawa si Jun ng malawakang investment scam noong 2018. Hinikayat niya ang isang biktima na mag-invest sa bonds at nakuha ang humigit-kumulang KRW 500 milyon sa dalawang transaksyon.

Kalaunan, nakumbinsi rin umano niya ang parehong biktima na bumili ng stocks at nakuha ang dagdag na KRW 200 milyon. Sa mga sumunod na buwan, umano’y nakapanghingi pa siya ng KRW 268 milyon sa pamamagitan ng pag-angkin na kailangan ng agarang pondo para sa pagpapagamot ng kapatid. Lumampas sa KRW 900 milyon ang kabuuang nawalang halaga.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga dayuhang masasangkot sa panloloko at magtatago sa Pilipinas ay “will be located, arrested, and deported.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here