MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang effusive eruption ng Bulkang Mayon sa ika-54 sunod na araw.
Sa post sa X, ipinakita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang timelapse video na nakuhanan 9:44 ng gabi at 10:45 ng gabi na nagpakita ng incandescent lava flows mula sa summit.
Namataan din ang minor strombolian activity bandang 9:12 ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagsabog ay patuloy na lumilikha ng pyroclastic density currents (PDCs) o “uson,” at madalas na rockfall sa mga dalisdis nito.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon. RNT/JGC