Home NATIONWIDE Top 1 most wanted ‘carnapper’ nalamba ng mga parak sa Bulacan

Top 1 most wanted ‘carnapper’ nalamba ng mga parak sa Bulacan

167
0

Bulacan – Arestado ang 44 anyos na binatang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng Paombong nitong umaga ng Marso 1.

Sa ulat ni Police Major Ian Henry Doctor, Acting chief of police ng Paombong police station, kinilala ang akusado na si alyas “Rey”, 44, welder, single, residente ng Brgy. Sto Rosario.

Ayon sa ulat, isinilbi sa akusado ang WOA nina PEMS Jayson Salvador, PMSg Francis Guevarra at Pat John Fermar Hanz Pamplona bandang 11:00 ng umaga sa nasabing lugar.

Nabatid na ang WOA sa kasong New Anti Carnapping Act 2016 (RA 10883) ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 83, City of Malolos, Bulacan noong September 6, 2023. na may inirekomemdang piyansang P300,000.00.

Sinasabing ipinaalam ng mga pulis sa akusado ang kanyang constitutional rights na naitala sa pamamagitan ng alternative recording device.

Sinusulat ito, kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing istasyon ang akusado para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here