Home NATIONWIDE Most wanted sa kasong 4 counts ng rape nalambat sa Bulacan manhunt...

Most wanted sa kasong 4 counts ng rape nalambat sa Bulacan manhunt ops

163
0

Bulacan – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang 19 anyos na lalaking Most Wanted Person (Municipal Level Top 2) sa manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Miguel nitong Pebrero 27.

Sa ulat ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng San Miguel police station, kinilala ang suspek na si alyas “Buboy”, residente ng Brgy. Pacalag.

Ayon sa ulat, isinilbi ang WOA ng mga operatiba ng istasyon katuwang ang Bulacan Intelligence Operatives Platoon at Regional Intelligence Division 3 bandang 3:45 ng hapon sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso.

Nabatid na ang WOA sa kasong Rape (4 counts) ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 79, Malolos City noong Pebrero 5, 2026 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa hukuman naglabas ng WOA. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here