Home OPINION KABIGUAN NG EDSA@40 (PART 3)

KABIGUAN NG EDSA@40 (PART 3)

155
0

SA kabilang banda, demokrasya lamang ang matibay na ipinamana ng EDSA ngunit bigo pa rin ito na malabanan ang gaya nang dinastiyang pulitikal, korapsyon at katiwalian kaya patuloy ang kahirapan ng bansa.

Hindi pa tapos ang diwa ng EDSA kaya panatilihin natin itong isabuhay sa pamamagitan ng iba’t-ibang kaparaanang ligal at demokratikong solusyon gaya nang paghahanap ng alternatibong mamumuno sa hinaharap o sa darating na halalang pampanguluhan sa taong 2028.

Iyon ang tunay na magdadala ng reporma sa ating pamahalaan sapagkat hindi sapat na laging pinuno lang ang napapalitan kada anim na taon kundi dapat maisaayos din ang sistema sa ating burukrasya.

Hangga’t ang namumuno sa ating pamahalaan ay paulit-ulit lamang na mga apelyido at angkan, o kaya naman ay galing sa mga mayayaman at kapitalistang angkan na hindi nakaranas ng kahirapan sa buhay ay hindi tayo magkakaroon ng pinuno ng bansa na tunay na may malasakit sa sambayanan.

Hangga’t wala tayong nagiging pinuno ng bansa na galing sa middle class o galing sa uring pinagsasamantalahan ng mga mayayaman at makapangyarihan gaya ng mga manggagawa, magsasaka, maralita at iba pa ay hindi tayo magkakaroon ng pamahalaang may malasakit sa sambayanan.

Isipin sana natin, 40 taon na lumipas ang EDSA at bigo pa rin ito sapagkat ilang halalan ang naganap at ilang pangulo na ang nanilbihan ngunit nandyan pa rin ang korapsyon, dinastiyang pulitikal at kahirapan. Hindi ka ba nagsasawa kabayan?

Nanatili pa ring atrasado ang buhay nina Juan at Juana Dela Cruz. May pag-asa pa ba ang bansang Pilipinas? Oo meron pa, kailangan lamang nating magkaisang maghanap ng alternatibong mamumuno na siyang magpapatupad ng totoong reporma sa ating pamahalaan upang maranasan natin ang maayos, mapayapa at maunlad na Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here