Home OPINION PAG-IBIG FUND, HUMATAW: KITA NOONG 2025, LUMOBO NG 50%! ASSETS PUMALO SA...

PAG-IBIG FUND, HUMATAW: KITA NOONG 2025, LUMOBO NG 50%! ASSETS PUMALO SA P1.23 TRILYON

137
0

IPINAMALAS ng Pag-IBIG Fund ang lakas ng kanilang posisyong pinansyal matapos iulat ang markadong pag-angat ng kita mula sa mga pamumuhunan noong 2025. Sa ulat na inilabas nitong Pebrero 25, umakyat sa P9.43 bilyon ang investment income ng ahensya, isang pagtalon ng halos 50% kumpara sa nakaraang taon.

Ayon Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, ang tagumpay na ito ay nagpapatatag sa kakayahan ng ahensya na magbigay ng abot-kayang pabahay at palaguin ang impok ng mga manggagawang Pilipino.

Malaking bahagi ng tagum­pay na ito ay ibinibida ng inyong Agarang Serbisyo Lady ay ang mahusay na pamamahala ni CEO Marilene Acosta. Sa ilalim ng kanyang liderato, naging mas agresibo ngunit maingat ang mga istratehiya ng ahensya sa pagpapalago ng pondo. Ang kan­yang “hands-on” na pagbabantay sa governance framework ay nagsilbing proteksyon upang matiyak na bawat piso ng mga miyembro ay ligtas at kumikita. Ang ganitong uri ng pamumuno ay nagbibigay ng kumpyansa sa mga manggagawa na ang ka­nilang pinaghirapan ay nasa tamang kamay.

Sa pagtatapos ng 2025, ang kabuuang assets ng Pag-IBIG ay umabot na sa rekord na P1.23 trilyon, habang ang gross investment portfolio naman ay lu­mago patungong P190.13 bilyon, o 41% na pagtaas mula noong 2024.

Binigyang-diin ni Department of Human Settlements and Ur­ban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling na ang paglagong ito ay bunga ng maingat na pamamahala o prudent financial management. “Ang pag-unlad ng aming investments ay patunay ng aming ka­tapatan sa pag-aalaga sa pawis at sakripisyo ng ating mga miyembro,” ani Aliling.

Sa kasalukuyan, malaking ba­hagi ng pondo ay nakalagay sa mga government securities, corporate bonds, at preferred shares. Tinitiyak ng ahensya na ang bawat instrumentong pinapasukan ay dumaan sa “rigo­rous review” at mahigpit na safe­guards upang masiguro ang kaligtasan ng pondo. Mula sa kabuuang assets, ang housing-related assets ang may pinakama­laking bahagi na nagkakahalaga ng P922.07 bilyon, na sinusundan ng mga short-term loans na nasa P96.41 bilyon.

Dahil sa matatag na pundasyong ito, tiniyak ng pamunuan na mananati­ling matatag ang Pag-IBIG Fund sa mahabang panahon, na nagsisilbing sandigan ng gobyerno sa ilalim ng Expanded 4PH prog­ram ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pangarap na bahay ng bawat pamilyang Pi­lipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here