Home NATIONWIDE Bagong DENR chief hinimok, aprubadong reclamation projects suriin

Bagong DENR chief hinimok, aprubadong reclamation projects suriin

171
0

MANILA, Philippines – Hinamon ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang bagong talagang acting Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Juan Miguel Cuna na agad na ibasura ang environmental compliance certificates (ECC) ng hindi bababa sa 13 reclamation projects sa Manila Bay.

Pinalitan ni Acting Secretary Juan Miguel Cuna si dating Environment Secretary Raphael Lotilla, na sinabi ng PAMALAKAYA na “walang nagawang anumang bagay” upang protektahan ang Manila Bay, ang mga komunidad sa baybayin nito, at mga yamang dagat, laban sa mga aktibidad na “mapanirang reclamation at dredging”.

Sinabi ng grupo ng mga mangingisda na kakailanganin lamang ni Acting Secretary Cuna na sumangguni sa cumulative impact assessment na isinagawa mismo ng DENR, na nagpapatunay sa “irreversible” na pinsala ng reclamation sa kapaligiran.

“Hindi na mabigat na palaisipan sa bagong kalihim ng DENR kung bakit magiging maayos na repasuhin ang mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay.

Dagdag pa ang aktwal na karanasan ng mga komunidad na bumagsak sa kabuhayan at higit na naging bulnerable sa mga epekto ng natural na kalamidad dahil sa pagkasira ng kalikasan,” sabi sa pahayag ni Fernando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson.

Kabilang sa mga reclamation project na mayroong environmental compliance certificates (ECC) ay ang 407-ektaryang City of Pearl sa Maynila, ang 650-ektaryang Navotas City reclamation, at ang 420-ektaryang reclamation sa Bacoor City, Cavite. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here