Manila, Philippines – Gaano katotoo na malaki ang tampo ni Rita Daniela kaya lumipat siya sa Viva Artists Agency mula sa talent management arm ng Kapuso network?
May tsikang nakarating sa amin na kaya raw iniwan niya ang dating network ay dahil feeling ng aktres na diumano’y underappreciated ang kanyang talent bukod sa kakulangan niya ng projects.
Tweet pa ng ilang bubuwit, tila nagsisintir din daw ang aktres dahil walang naging pahayag ang network sa kontrobersya niya noon kay Archie Alemania na sinampahan niya ng kasong acts of lasciviousness.
Isa pa raw sa ikinasasama ng loob ng aktres ay hindi man lang daw siya binati ng management ng nasabing istasyon nang manalo siya ng best actress sa Sinag Maynila, na isang prestihiyosong filmfest, noong nakaraang taon.
Nanalo siya bilang best actress sa indie film na “Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.”
Anyway, for sure, isa sa mga dahilan ni Rita sa pag-ooberdakod ng management ay dahil bet niyang mag-level up lalo na’t may ibubuga naman siya pagdating sa singing at acting. Archie Liao