Home NATIONWIDE Kalagayan sa Middle East ng mga OFW, masusing minomonitor ng Kamara

Kalagayan sa Middle East ng mga OFW, masusing minomonitor ng Kamara

184
0

MANILA, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kasalukuyang sitwasyon sa Gitnang Silangan lalo na ang ukol sa kalagayan at kaligtasan ng Overseas Filipino Workers (OFW).

“We are closely monitoring developments in Iran and the broader Middle East with serious concern for the safety and welfare of our countrymen in the region, particularly our hardworking overseas Filipino workers.”

Giit pa ng speaker na napakahalagang sektor ng lipunan ang mga OFW dahil sa napakahalagang papel nito sa ekonomiya ng bansa.

“Ang OFW ay mahalagang bahagi ng ating bansa at ng ating ekonomiya. Mahalaga na matiyak ang kanilang kaligtasan at maibigay ang kinakailangang suporta sa oras ng pangangailangan.”

Naunang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan at agarang maglatag ng mga contingency plans sakaling lumala ang tension sa rehiyon.

“We acknowledge and commend the decisive actions of President Ferdinand R. Marcos Jr. in directing concerned government agencies to determine the whereabouts of Filipinos in the Middle East, to take immediate steps to ensure their safety, and to activate contingency measures as tensions escalate following recent developments in the region. We call on the Department of Foreign Affairs and the Department of Migrant Workers to ensure that contingency plans are fully operational, that assistance teams are ready, and that communication lines remain open and responsive at all times,” ani Dy.

Kasabay nito ay nanawagan ang speaker sa mga Pinoy na nasa mga apektadong lugar na mag-ingat at sumunod sa mga paalala at panawagan ng mga bansang kanilang kinaroroonan upang manatiling ligtas.

“Nananawagan din tayo sa ating mga kababayan sa mga apektadong lugar na manatiling mag-ingat at sumunod sa mga opisyal na abiso ng ating pamahalaan. We continue to hope for a peaceful resolution of tensions and firmly reaffirm that the safety and protection of our people will always be our foremost priority. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here