MANILA, Philippines – Isang mananaya na tumaya sa isang lotto outlet sa Rizal ang nagwagi ng ₱17.9 milyong jackpot sa Megalotto 6/45 draw noong Lunes, Marso 2, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nakuha ng nanalo ang winning combination na 12-25-45-40-33-27 na may katumbas na jackpot prize na ₱17,977,214.41.
Samantala, nananatiling walang nanalo sa ₱45,000,000.00 jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makakuha ng kombinasyong 05-07-18-33-38-27.
Isinasagawa ang Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ginaganap naman ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT