Home NATIONWIDE 5,335 long-pending teacher promotion requests inaprubahan ng DepEd

5,335 long-pending teacher promotion requests inaprubahan ng DepEd

159
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang 5,335 long-pending teacher promotion requests na inihain sa ilalim ng lumang panuntunan, na inilarawan bilang “significant step” sa transition nito sa Expanded Career Progression (ECP) System.

Sa kalatas na inilabas nitong Marso 3, sinabi ng DepEd na ang aprubadong hiling ay kabilang sa mga lumang case na naghihintay sa ilalim ng dating promotion rules, kabilang ang mga naproseso sa pamamagitan ng Equivalents Record Form at mga naunang department orders noong 1979 at 2011.

Ang approval ay bahagi ng hakbang ng DepEd para sa roll out ng bagong ECP system na naka-disenyo para bigyan ang mga guro sa pampublikong paaralan ng mas malinaw at patas na daan para sa kanilang promotion batay sa kwalipikasyon at performance.

Naabot ito sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagitan ng DepEd, sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, at Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ni Acting Secretary Rolando U. Toledo.

Sinusuportahan din ng inisyatibo ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang kapakanan ng mga guro at professional development.

“This is more than achieving numbers. This is about our sustained efforts to ensure our educators receive the recognition they truly deserve,” ani Angara.

“Following President Bongbong Marcos’ directive, we are accelerating the ECP system to make sure no public school teacher ever retires at the entry-level rank of Teacher I,” dagdag pa niya.

Bukod sa promotion, pinagsisikapan din ng DepEd ang mga pagbabago sa liderato ng mga paaralan.

Anang ahensya, naghihintay pa sila sa DBM para sa final approval sa 914 “on stream” candidates — kabilang ang mga head teacher, assistant principals, at teachers-in-charge na nakatakdang mapromote sa school principal posts.

Sa rekord na P6.1 bilyong alokasyon para sa taong kasalukuyan, layon ng DepEd na magpromote ng mahigit 100,000 public school teachers sa ilalim ng ECP system.

Ang mga reporma ay nakadisenyo para palakasin ang morale ng mga guro, lumikha ng mas malinaw na leadership pathways, at pagpapabuti ng learning outcomes ng mga estudyante. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here