Home SPORTS Mayweather may exhibition muna bago Pacquaio rematch

Mayweather may exhibition muna bago Pacquaio rematch

170
0

INANUNSIYO ni boxing legend Floyd Mayweather Jr. ang isang exhibition fight laban sa retiradong Greek kickboxer na si Mike Zambidis sa Hunyo 2026 sa Athens, Greece.

Ito ay bago ang nakatakda niyang rematch kay Manny Pacquiao sa Setyembre 19 sa Las Vegas.

Ayon kay Mayweather, magiging “legendary battle” ang laban sa Greece at bahagi ito ng kanyang abalang 2026 fight calendar.

Gayunman, ang ikalawang paghaharap nila ni Pacquiao ay isang professional bout, kaya nakataya ang kanyang malinis na 50-0 record.

Matatandaang huling lumaban si Mayweather sa isang professional fight noong 2017 nang talunin niya si Conor McGregor.

Simula noon ay sunod-sunod na exhibition matches ang kanyang sinalihan laban sa iba’t ibang personalidad sa boxing at combat sports.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here