Home SPORTS Debut ni Trae sa Wizards, naudlot

Debut ni Trae sa Wizards, naudlot

173
0

NAUNA pang ma-eject si Trae Young bago ang kanyang debut para sa Washington Wizards matapos siyang pumasok sa court at makipagtalo sa opisyal sa gitna ng laro kontra Houston Rockets.

Hindi nakalaro si Young sa naturang laban at inaasahang magde-debut sa Huwebes kontra Utah Jazz. Siya ay na-trade mula sa Atlanta Hawks noong Enero at nagmula sa injury sa kanang binti.

Sa kabila ng insidente, nagbiro si Young sa social media na huwag asahan ang marami pang ejections sa kanyang pananatili sa Wizards.

Umaasa ang koponan na makatutulong siya, kasama ang bagong recruit na si Anthony Davis, sa muling pagbangon ng koponan. GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here