Home NATIONWIDE Speaker Dy nababahala sa posibleng pagsirit ng presyo ng langis

Speaker Dy nababahala sa posibleng pagsirit ng presyo ng langis

141
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy, III sa posibilidad ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunga ng tension sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Dy na, “nakikiisa tayo sa layunin ng Pangulo na protektahan ang mga mamamayan laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.”

Ang pangamba ng speaker ay kung aabot sa $ 80 kada bariles ng langis sa Dubai ay magiging pabigat na ito sa mga Pilipino.

“Kung lalampas sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng Dubai crude, malinaw na mararamdaman ito ng ating mga kababayan—sa pamasahe, sa presyo ng pagkain, at sa iba pang pangunahing bilihin,” dagdag pa ni Dy.

Dahil dito, sinabi ng speaker na bukas ang Kamara na makipag-ugnayan sa Senado upang pag-aralan at, kung kinakailangan, amyendahan ang batas at mabigyan ang Pangulo ng sapat na kapangyarihan na maibaba ang excise tax sa mga panahong may matinding pagtaas sa presyo ng langis.

“Kasabay nito, suportado rin natin ang panawagan na ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay magsagawa ng mga konkretong hakbang upang makatipid sa paggamit ng kuryente. With the uncertainty in the Middle East, everyone must contribute to energy conservation efforts. Kasama po ang Kongreso dito.”

Pakiusap pa ni Dy na, “sa gitna ng hamon na kinahaharap natin, kailangan kumilos ang pamahalaan nang may malasakit, may pananagutan, at may kahandaan. Ang Kamara ay handang gampanan ang tungkulin nito upang matiyak na ang kapakanan ng mamamayan ang mananatiling pangunahing prayoridad.”

Samantala, naghain naman si Navotas Rep. Toby Tiangco ng resolusyon na nananawagan kay Pangulong Marcos na pansamantalang suspendihin ang paniningil ng Value-Added Tax (VAT) sa lahat ng produktong petrolyo.

“The continuing conflict is expected to cause significant increases in fuel prices, which will in turn also affect the price of basic commodities,” dagdag pa ni Tiangco. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here