Bulacan – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Top 9 Most Wanted Person (Regional Level) at Top 2 Most Wanted Person (Provincial Level) sa lungsod ng Malolos nitong gabi ng Marso 2.
Sa ulat ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincila Intelligence Unit (PIU), kinilala ang akusado na si alyas “Ed”, 20, residente ng Tabing Ilog, Brgy. Longos.
Ayon sa ulat, isinilbi ang WOA ng pinagsanib puwersa ng tracker team ng PIU katuwang ang Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Malolos police station bandang 7:00 ng gabi sa Brgy. Sumapang Matanda.
Nabatid na ang WOA sa kasong Statutory Rape ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 17, Malolos City na walang inirekomendang piyansa.
Sinasabing isinagawa ang operasyon ng mga awtoridad sa pamamagitan ng isang intelligence-driven manhunt operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa akusado.
Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa nasabing yunit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Dick Mirasol III