Home NATIONWIDE Japan nagbukas ng trabaho sa mga Pinoy nurse, careworker

Japan nagbukas ng trabaho sa mga Pinoy nurse, careworker

174
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang tumanggap ang gobyerno ng Japan ng aplikasyon mula sa mga certified care workers at nars mula sa Pilipinas na nais magtrabaho sa Japan sa ilalim ng programa na ginawa sa pamamagitan ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Sa pahayag noong Martes, sinabi ng Japanese Embassy sa Manila na maglalaan ang 2026 Japan-Philippine initiative ng 50 posisyon para sa nars (Kangoshi) at 300 para sa care worker (Kaigofukushishi).

Ang mga matatanggap ay sasailalim sa libreng pag-aaral ng wikang Hapon ng anim na buwan sa Pilipinas at anim na buwan sa Japan, bago magsimula ang tatlong hanggang apat na taong trabaho sa mga ospital at pasilidad ng pagtulong sa Japan.

Para sa nars, dapat ay graduate ng Bachelor of Science in Nursing at may PRC license, at may minimum na tatlong taong karanasan sa trabaho sa ospital, klinika, o health center. Samantala, ang mga care worker applicants ay pwedeng graduate ng BS Nursing (may PRC license o wala) o ng four-year course na may TESDA NC II in Caregiving.

Magbibigay ang programa ng daily living allowance habang nagsasanay sa wikang Hapon. Pinapayuhan ang mga kandidato na makuha ang Japanese license para sa mas mahabang trabaho sa Japan.

Ang deadline ng aplikasyon ay sa Abril 5, 2026. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng Department of Migrant Workers. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here