CEBU, Philippines – Isang batang 1-taong gulang ang namatay matapos siyang mabangga ng trak sa Barangay Lagtang, Talisay City noong Lunes ng hapon, Marso 2.
Ayon sa ulat, si Bell ay nakasakay sa motorsiklo kasama ang kanyang ina na si Jocelyn, 45, at ang driver na si Lelan Remejio, 51.
Habang nagmamaneho si Remejio, isang nakaparadang trak ang dahan-dahang gumalaw at tumama sa kanilang motorsiklo dahilan nang pagkahulog ng bata mula sa motorsiklo at nadaganan ng trak.
Ang driver ng trak na si Rolando Tapdasan, 52, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. RNT/MND