Home HOME BANNER STORY Pagpapadala ‘on time’ ng impeachment articles sa Senado, ipinangako ng solon

Pagpapadala ‘on time’ ng impeachment articles sa Senado, ipinangako ng solon

123
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang miyembro ng House Committee on Justice na ipapadala ng panel sa Senado ang mga artikulo ng impeachment laban kay Sara Duterte bago mag-sine die adjournment ng House.

Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, mahalaga na matapos ang deliberasyon sa loob ng 60 session days upang maipasa ang dokumento sa Senado, na magsisilbing hukom sa impeachment trial.

Sa kasalukuyan, natapos ng House panel ang deliberasyon sa substance ng 3rd impeachment complaint na isinampa nina Fr. Joel Saballa et al., habang inaasahang tatapusin ang 4th complaint sa Miyerkules.

Kung parehong maideklara itong sufficient in substance, magsisimula ang hearing proper pagkatapos ng Holy Week, posibleng sa ikalawang linggo ng Abril.

Kasama sa alegasyon laban kay Duterte ang pagtataksil sa public trust, bribery, graft at korapsyon, kabilang ang umano’y maling paggamit ng P612 milyon sa confidential funds. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here