MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue laban sa pekeng tax payment reminder na kumakalat ngayon.
Ayon kay BIR Commissioner Charlie Mendoza, ginamit ng scammer ang opisyal na BIR template, ngunit “officially confirmed as fake.”
Pinayuhan ni Mendoza ang publiko na maging maingat at tiyaking lehitimo ang anumang tax-related notice, demand letter, o payment reminder na matatanggap.
Lahat ng opisyal na komunikasyon ay inilalabas lamang sa pamamagitan ng awtorisadong channels ng BIR.
Maaaring i-verify ng publiko ang anumang BIR issuances sa pamamagitan ng trunkline 89817000 at 8929-7676, o sa Customer Assistance Division sa 8538-3200. RNT/MND