Home METRO Retiradong pulis, kasamahan utas sa pananambang sa Maguindanao del Sur

Retiradong pulis, kasamahan utas sa pananambang sa Maguindanao del Sur

162
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Patay ang isang retiradong pulis at kasama nito matapos silang tambangan at pagbabarilin ng ng mga armadong lalaki, iniulat kahapon sa bayan ng Datu Montawal.

Kinilala ang mga biktima na sina Elias Dandan, dating hepe ng pulisya ng Pikit, Cotabato, at Raymund Bioy, kapwa residente ng Barangay Kalawag, Pikit, Cotabato.

Ayon kay ni Police Captain Nurjhasier Sali, hepe ng Datu Montawal Municipal Police station, dakong 2:30 PM naganap ang krimen sa national highway na sakop ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang itim na pick-up truck patungong Poblacion Pikit ang mga biktima nang tambangan ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Dito, pinaulanan ng matataas na kalibre na baril ang sasakyan ng mga biktima at tinamaan ang mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa pagrepsonde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen agad na dinala sa University of Southern Mindanao Hospital sa Kabacan, Cotabato ang mga biktima para lapatan ng lunas subalit idineklara na rin patay ang mga ito ng mga umatending doktor.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para agaran pagdakip. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here