Nakipagpulong si DPWH Secretary Vince Dizon kina Marikina City Mayor Maan Teodoro at Rep. Marcy Teodoro nitong Miyerkules, March 4, 2026, upang inspeksyunin ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project.
Bahagi ang proyekto ng integrated flood mitigation road map ng Marikina City na naglalayong mabawasan ang pagbaha at mapabuti ang daloy ng tubig sa ilog.
Personal na tinignan ng mga opisyal ang progreso ng proyekto at tinalakay ang mga hakbang upang matiyak ang maagap at maayos na implementasyon nito. DANNY QUERUBIN