MANILA, Philippines – Tinalakay sa ika-38 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Oktubre 12, 2026, ang mga posibleng money laundering red flags sa Cale88 Foods Corporation at kung kasama ba sa P817 milyon na hindi idineklarang yaman ang mga property na binanggit ng National Bureau of Investigation (NBI).
Tinanong ni Senator-judge Raffy Tulfo si forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera tungkol sa posibleng money laundering at mga irregularidad sa financial records ng Cale88 Foods Corporation.
“I just want to get some enlightenment regarding money laundering… Their dirty money is invested in a legitimate business, and then they pay the right taxes… So, when it comes out, it is already clean. Am I right?” tanong ni Tulfo.
Sinang-ayunan ito ni Cabrera at inilahad na may mga matinding red flag ang financial statements ng Cale88 na hindi tugma sa isang lehitimong high-revenue exporter.
Kabilang dito ang kakulangan ng receivables, payables, at inventory ng raw materials, pati na rin ang napakaliit na kagamitan sa kabila ng pag-uulat ng daang-milyong kita.
Ikumpara ito sa ibang katulad na exporters, sinabi ni Cabrera na parang “revolving door” ang galaw ng pera sa Cale88 — mabilis na pumapasok at lumalabas ang pondo nang hindi tugma sa aktwal na operational assets ng kumpanya.
Sa hiwalay na pagtatanong, kinuwestiyon naman ni Senator-judge Erwin Tulfo si Cabrera kung kasama ba sa P817 milyon na umano’y hindi idineklarang yaman ni VP Duterte ang dalawang property na ipinakita ng NBI sa isang press conference.
Ipinakita ni Tulfo ang video ng NBI kung saan binanggit ang mga property, kabilang ang isang agricultural land na sinabing nabili sa halagang P200,000.
“The NBI presented two properties earlier, and these have also appeared in the media. My question is, could these properties be included in the P817 million in undeclared wealth attributed to the Vice President?” sabi ni Tulfo.
Sumagot si Cabrera na hindi niya matitiyak kung kasama ang mga property sa kanyang computation hangga’t hindi niya nasusuri ang mga titulo at iba pang kaugnay na dokumento.
Hiniling din ni Tulfo sa prosecution na beripikahin ang findings ng NBI at i-cross check kung naisama na ang mga property sa financial analysis. Pumayag ang prosecution na alamin ito. Ernie Reyes