MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamong kriminal ang ama ng 16-anyos na estudyante na sangkot sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong nakaraang buwan.
Ito ay matapos mapag-alaman na ginamit ng kanyang anak ang baril nito na hindi nakatago nang maayos sa kanilang bahay.
Kinumpirma ni Maj. Robert D. Fores, officer-in-charge ng Police Regional Office 12 (PRO-12) Public Information Office nitong Lunes, Oktubre 12, na inihain na ang reklamo kasunod ng Sept. 18 shooting na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong estudyante kabilang ang shooter, at pagkasugat ng anim iba pa.
Nakita sa imbestigasyon na ginamit ng estudyante ang isang Glock 9mm pistol na nakarehistro sa pangalan ng ama.
Anang pulisya, hindi nakatago nang maayos ang baril dahilan para makuha at magamit ito ng bata sa krimen. RNT/JGC