Home NATIONWIDE Ugnayan ng 18 ex-marines sa nagnotaryo ng kanilang salaysay, sisilipin ng NBI

Ugnayan ng 18 ex-marines sa nagnotaryo ng kanilang salaysay, sisilipin ng NBI

180
0

MANILA, Philippines – Sisilipin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaugnayan ng 18 dating sundalo sa nagnotaryo ng kanilang joint-affidavit na isinumite sa Office of the Ombudsman.

Aniya, nais nilang masuri at matingnan ang anggulo dahil tila aniya may relasyon sa pagitan ng nagnotaryo at ang nasa likod na nagtutulak sa kanilang mga akusasyon sa ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Sa panayam kay NBI Director Atty. Melvin Matibag sa Department of Justice nitong Miyerkules ng umaga, sinabi ng opisyal na ipapatawag din ang nasabing mga sundalo para sa magkakahiwalay na salaysay.

Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na dapat mayroong magkakahiwalay sa salaysay ang 18 dating sundalo.

Naniniwala si Matibag, na ang affidavit ay mula sa personal na kaalaman ng isang indibidwal at mahirap matukoy kung sa iisa lang at pare-pareho ang nalalaman sa salaysay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here