Home NATIONWIDE Soriano prinoklama bilang ACT-CIS Rep

Soriano prinoklama bilang ACT-CIS Rep

149
0

MANILA, Philippines – Muling nabawi ng ACT-CIS Party-list ang isang puwesto sa Kamara matapos iproklama ng Commission on Elections (Comelec), bilang National Board of Canvassers, si Jeffrey Soriano nitong Miyerkules sa Intramuros, Maynila.

Pinalitan niya si dating Rep. Edvic Yap na nagbitiw matapos madawit sa umano’y multi-bilyong pisong flood control corruption scandal. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, si Yap at si Salvador Pleyto ng Bulacan ay tumanggap umano ng pera sa bank transfer mula sa contractor couple na sina Curlee at Sarah Discaya.

Maglilingkod si Soriano hanggang June 30, 2028.

Nakakuha ang ACT-CIS ng 1,239,930 boto sa May midterm elections, sapat para sa dalawang puwesto sa 20th Congress. Bago si Soriano, kinatawan ng grupo si Rep. Jocelyn Tulfo bilang ikalawang nominado.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7941, awtomatikong pinapalitan ng susunod na nominado ang nabakanteng puwesto para tapusin ang natitirang termino. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here