Home HOME BANNER STORY 11 Bulacan VM na-stranded sa Dubai, makaka-uwi na!

11 Bulacan VM na-stranded sa Dubai, makaka-uwi na!

146
0

MALOLOS, Bulacan – May nakuhang flight schedules na pauwi ang 11 vice mayor ng Bulacan na na-stranded sa Dubai matapos ang joint attack ng US at Israel sa Iran noong Pebrero 28, ayon sa mga opisyal.

Sinabi ni Myrvi Fabia, provincial director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bulacan, na batay sa impormasyong natanggap niya, may mga iskedyul na ng biyahe pauwi ang mga opisyal.

Naunang ibinahagi ni Jonvic Remulla na ang 11 vice mayor—halos kalahati ng 24 vice mayor ng lalawigan—ay bumiyahe patungong Dubai noong nakaraang linggo at na-stranded nang sumiklab ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Fabia, may inisyu sa kanila na Foreign Travel Authority (FTA) ngunit tumanggi siyang magbigay pa ng detalye.

Nilinaw naman ni Remulla na bumiyahe ang mga opisyal sa personal na kapasidad at sariling gastos, hindi gamit ang pondo ng gobyerno. Hindi rin umano sila humingi ng tulong sa pamahalaan.

Sinabi rin ng kalihim na may isang alkalde ng Bulacan na kasama sa grupo at inaalam pa kung may travel authority ito.

Ang Bulacan ay may 20 bayan at apat na lungsod, na may kabuuang 24 mayor at 24 vice mayor. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here