Home NATIONWIDE Agriculture Cooperatives Act of 2025, handang i-certify as urgent ni PBBM; pag-amyenda...

Agriculture Cooperatives Act of 2025, handang i-certify as urgent ni PBBM; pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, patuloy na pinag-aaralan

225
0

MANILA, Philippines – Handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-certify bilang urgent ang Agriculture Cooperatives Act of 2025.

Itoy upang mapabilis ang pagpapatupad ng panukalang batas na inaasahang makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ng Pangulo na malaking tulong sa sandaling maisabatas na ang proposed bill gayung magbibigay aniya ito ng mas malaking kita at mas matibay na suporta sa mga magsasaka at mangingisda.

Kasabay nito ay ipinahayag din ng Chief Executive na patuloy ang pag-aaral at pagsasaayos sa mga panukalang maamyendahan ang Rice Tariffication Law na aniyay tinatarget na maaprubahan sa lalong madaling panahon.

Ilan din sa napag- usapan sa pulong ng Pangulo sa Palasyo kung saan kasama si Senador Kiko Pangilinan ay ang iba pang panukalang reporma sa sektor ng agrikultura gaya ng AGRICOM Act gayundin ang Agriculture and Fisheries Extension Act. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here