Home ENTERTAINMENT Anak nina Andi at Philmar, wagi na naman sa surfing contest!

Anak nina Andi at Philmar, wagi na naman sa surfing contest!

162
0

Siargao, Philippines – Obyus na nananalaytay sa ugat ni Lilo ang pagiging kampeon din sa larangan ng surfing tulad ng kanyang amang si Philmar Alipayo.

Si Lilo ay ang anim na taong gulang na anak nina Philmar at Andi Eigenmann, next to Koa.

Proud parents nga ang Siargao-based couple.

Nagkampeon lang naman si Lilo sa San Vic Surf Fest, ayon sa video uploaded by the organizers sa kanilang Instagram page.

Isang masayang awarding ceremony ang ginanap pagkatapos ng surfing event.

Makikitang karga-karga ni Philmar si Lilo sa balikat kasama si Koa.

Aside from the trophy, nag-uwi din ng cash prize si Lilo.

Sumali rin si Koa sa parehong paligsahan, placing third in the Grom Revival 2026: Boys Push-in category.

Tatlong taon pa lang noon si Lilo nang matutong mag-suurf with the guidance of Philmar.

October 2025 nang sumabak si Lilo sa kanyang unang national competition sa Siargao. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here