Home ENTERTAINMENT Dahilan ni Rita sa paglipat sa Viva, ibinunyag!

Dahilan ni Rita sa paglipat sa Viva, ibinunyag!

170
0

Manila, Philippines – Dati palang empleyado ng Viva ang ama ni Rita Daniela, si Red Valdez na pumanaw noong December 2015.

Sa paglipat nga naman ng singer-actress sa Viva’y parang kasama niya ang ama in spirit–guiding her.

Mula sa Sparkle GMA Artist Center si Rita, her home for 20 years.

Pero bakit siya nagdesisyong iwan ito?

Aminado si Rita na mas magkakaroon siya ng puwang sa Viva if only for its many platforms.

Nagpoprodyus nga naman ito ng mga serye, pelikula, musicals, concerts at kung anu-ano pa.

Eh, sa loob ng 20 taon niya sa GMA–sa aminin man niya o hindi’y nganga siya!

Willing pa din naman daw si Rita na tumanggap ng offers mula sa GMA.

Pero obyus that she believes she’s in a much better world now.

Dahil wala na nga siya sa GMA, chances are ay mapapanood siya palagi na nagpe-perform sa Eat Bulaga na nagkaroon ng bad blood sa Kapuso network.

‘Yun lang! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here