Home ENTERTAINMENT Ai Ai, lola na!

Ai Ai, lola na!

182
0

Manila, Philippines – Isa nang ganap na granny na si Ai Ai de las Alas.

Wala ngang pagsidlan ang tuwa ng Comedy Queen ngayong isa na siyang lola sa apo niyang Canada-born na si Mia Isabella.

Si Mia Isabella ay anak ng panganay ni Ai Ai na si Sancho Vito sa partner nitong si Maria Paula.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng komedyana ang video ng pagle-labor ng kanyang manugang.

Sa Canada ito nagsilang.

Ayon sa post ni Ai Ai: “Welcome to the world, our beautiful little grandchild Mia Isabelle Sulit de las Alas!”

Nagpahayag din si Ai Ai ng paghanga kay Paula dahil sa lakas at katapangan nito.

Aniya: “I know how painful and exhausting labor was, and I truly admire your strength and courage through it all.”

Hirit pa ni Ai Ai: “Because of your love and sacrifice, our family has been blessed with this precious gift.

“We are so proud of you and so grateful for everything you went through. We love you deeply and will always be here for you and my sweet grandchild.”

Binigyang-credit din ni Ai Ai si Sancho sa pagiging isang mabuting asawa nito.

Aniya: “Sa aking mabait na anak, nagpapasalamat ako na isa kang mabuting anak, asawa at tatay. Love you always…God bless you both!”

Nabanggit ni Ai Ai sa nakaraang guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda na nais niyang magsuot sila ng twinning ng apo when going out in public. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here