Home ENTERTAINMENT Barbie, umaming takot kay Anabelle!

Barbie, umaming takot kay Anabelle!

185
0

Manila, Philippines – First, there was fear. But now it’s all admiration.

Hindi na nangingiming aminin ni Barbie Imperial kung gaano niya hinahangaan ang ina ng kanyang nobyong si Richard Gutierrez, si Annabelle Rama.

Sa vlog interview ni Ogie Diaz, isiniwalat ng Kapamilya actress na noong una daw ay takot siya sa palabang showbiz mom.

Hindi lang daw basta takot ‘yon kundi matindi, na kalaunan naman daw ay nawala.

And how?

“Honestly, sobrang sweet ni Tita Annabelle sa akin. Maalaga.

“Everytime may gathering, pinagtatabi niya ako ng food,” kuwento ni Barbie.

Much of her fear daw of Annabelle ay dahil na rin daw sa public image nito.

“Medyo natakot po ako. Pero parang kung sino pa ‘yung maldita based on the impression ng mga tao, eh, siya pa ‘yung pinaka-warm,” paghanga pa ng aktres, comparing Annabelle to the other moms of her past boyfriends.

Unti-unti, nabago na rin ang personal niyang impresyon.

Dahil na din ‘yon sa magandang katangian nito na sobrang maalalahanin.

“Basta lagi niya akong inaalala kung kumain na daw ba ako,” saad niya.

Barbie can’t be any less thankful na nakilala niya si Annabelle.

“Wow, ang bait niya! Feeling ko, katulad din siya ng ibang ina na pinoprotektahan talaga ang anak nila whatever happens!” pagbi-build up pa ni Barbie sa ina ng nobyo.

More ganda points for Barbie! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here