Home ENTERTAINMENT Tuesday, dumepensa sa paghingi ng trabaho, nakakuha ng kakampi!

Tuesday, dumepensa sa paghingi ng trabaho, nakakuha ng kakampi!

124
0

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Tuesday Vargas ang ilang bashers nang mag-post siya recently na tila ay nagmamakaawang bigyan ng trabaho.

Ipinost kasi ng komedyante ang panawagan sa mga kakilalang writer at direktor na kunin ang kanyang serbisyo.

Tuesday even highlighted her work ethic.

Pero minsama ito ng ilang netizens na nagsabing: “Laos ka na ba’t kailangan mong magmakaawa’t idinamay mo pa ang publiko?”

Depensa ni Tuesday, wala naman daw masama sa post niya.

Bukod dito’y isa daw siyang magulang who needs to provide the needs of her family.

Tinalakay nga ng Itsika Mo Na, Dali! ang kaso ni Tuesday.

Pinuri nga si Tuesday ng host nitong si Ogie Diaz na napabilib nito sa kanyang diskarte.

On the side kasi–to augment her showbiz income–pinasok na din ni Tuesday ang pagbebenta ng mga damit at gamit online.

Nauunawaan naman si Tuesday ng programa dahil ang trabaho naman daw sa showbiz ay hindi pirmihan, as there are lean times.

At dahil hindi nga stable ang showbiz work, like any other profession ay importante ang pag-iimpok bilang paghahanda pagdating ng panahong hindi na ganoon kalaki ang kinikita mo.

In fairness to Tuesday, maganda naman ang record nito pagdating sa work performance.

At dahil mahusay naman siya, gasgas na ang linyang: you cannot put a good man down. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here