MANILA, Philippines — Muling naaresto ang isang person deprived of liberty (PDL) na tumakas mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes.
Ayon sa BuCor, naaresto ang PDL bandang 7:30 ng umaga sa Sitio Idarag, Barangay Sta. Lucia, dalawang araw matapos itong mawala noong Martes ng hapon.
Nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat ang Corrections Emergency Response Team na may isang hindi kilalang lalaki na nagnakaw ng motorsiklo.
“Our team acted promptly and efficiently, demonstrating our resolve to uphold order and security,” pahayag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.
“Let this serve as a warning to all persons deprived of liberty: attempts to escape will not succeed. We will track you down and bring you back to justice,” dagdag niya.
Sinabi ng BuCor na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na law enforcement agencies upang makakuha ng karagdagang impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang matiyak ang kaligtasan sa komunidad. Mary Anne Sapico