Home SPORTS Caruso, hartenstein na-injured sa panalo ng Thunder

Caruso, hartenstein na-injured sa panalo ng Thunder

165
0

NAGKAROON ng panibagong injury concern ang Oklahoma City Thunder matapos ma-rule out sina Alex Caruso at Isaiah Hartenstein sa gitna ng kanilang 103-100 victory laban sa New York Knicks sa Madison Square Garden.

Ayon kay Thunder coach Mark Daigneault, hindi na pinabalik sa laro ang dalawang manlalaro nang kapwa sila magka-injury at muli na lamang susuriin kinabukasan ang kanilang kondisyon.

Nasaktan si Caruso matapos sumugod sa loose ball may apat na minuto pa sa third quarter. Bumagsak siya at nakitang hirap maglakad papunta sa locker room.

Samantala, si Hartenstein ay nilimitahan sa 17 minutong paglalaro matapos makaramdam ng paninikip sa kaliwang calf.

Wala siyang naitalang puntos ngunit nakakuha ng limang rebounds bago tuluyang maalis sa laro.

Sa kabila ng mga injury, nagawa pa ring makuha ng Thunder ang panalo sa tulong nina Chet Holmgren na may 28 puntos at Shai Gilgeous-Alexander na may 26 puntos at walong assists, dahilan upang mapanatili ng koponan ang pamamayagpag sa Western Conference.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here