Home TOP STORIES Trump: “Unconditional surrender” ng Iran, tanging paraan sa pagtapos ng giyera

Trump: “Unconditional surrender” ng Iran, tanging paraan sa pagtapos ng giyera

200
0

WASHINGTON, United States – Iginiit ni US President Donald Trump, na ang “unconditional surrender” ng Iran ang tanging katanggap-tanggap na paraan upang matapos ang labanan, kasabay ng pangakong tutulungan itong muling bumangon ang ekonomiya kapag sumunod ito.

“There will be no deal with Iran except UNCONDITIONAL SURRENDER,” ani Trump sa kanyang Truth Social post.

“Iran will essentially be in a place of unconditional surrender, whether they say it themselves or not,” ani naman ni Karoline Leavitt, press secretary ng White House, na kapag natiyak ni Trump na hindi na banta ang Iran sa US at natupad ang layunin ng operasyon.

Nangyari ang pahayag habang patuloy ang pambobomba ng Israel sa mga target sa Tehran at mga posisyon ng Hezbollah sa Beirut.

Sinabi rin ni US Defense Secretary Pete Hegseth na “about to surge dramatically” ang mga airstrike ng US laban sa Iran.

Ayon pa kay Trump, kung susuko ang Iran, tutulungan ng US at mga kaalyado nito na maibangon muli ang bansa mula sa krisis at gawing “economically bigger, better, and stronger than ever before.”

Ngunit mangyayari lamang ito kung magkakaroon ng “a GREAT & ACCEPTABLE Leader(s).”

Tinapos ni Trump ang kanyang mensahe sa panibagong slogan na “MAKE IRAN GREAT AGAIN (MIGA!),” na hango sa kanyang “Make America Great Again.”

Sa simula ng digmaan na inilunsad ng US at Israel noong Feb. 28, sinabi ni Trump na posibleng magkaroon ng negosasyon. Ngunit kalaunan ay tumutol na siya sa pakikipag-usap.

Sinabi rin ni Trump na nais niyang magkaroon ng papel sa pagpili ng kapalit ni Ali Khamenei, ang Supreme Leader ng Iran na napatay sa isang strike sa unang bahagi ng digmaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here